Featured Story of d Week: Lashenggong BF

Mga kababayan ko, alam kong namiss nyo rin ito ng sobra kasi nga last week ay hindi ako nakapagpost ng ganito dahil na rin sa soobrang ka-busyhan ng lola nyo. Anyway highway eto na nga ang story natin for this week. Actually baka mag-dalawa tayong kwento for this week since wala nga last week so parang pambawi na rin. Bahala na, depende sa mood ko bukas.

Ang ating bida ay si Mimi na by the way super ganda at hot. (Ayan, pinuri kita ah as you requested.. char) Pero tototo yun mga friendship, kagandahan talaga ateng. Pero let’s not make puri of her kasi baka lumaki ulo nya at tsaka hindi naman ang kagandahan nya ang problem natin eh. So, ito ngang si Mimi ay maganda at may bf na super pogi din naman. Bagay na bagay lang sila for each other talaga pero lately lagi ang kanilang di pagkakaunawaan dahil na rin sa nalululong si BF sa hindi kagandahan bisyo na talaga namang hindi ko rin trip. Ito ay ang pag-inom. Si bf kasi if mag-inom TODO. Mahihiya talaga ang mga taga Tondo sa pagkasiga sa laklakan. Ang masaklap nito hindi mapigil ni ate si bf dito sa bisyo na ito na kuminsan ay umaabot pa sa puntong nasasaktan pa sya nito physically. Well, not intentional naman kasi lasing si kuya diba. Pero natitiis naman ito ni ate Mimi natin kasi nga mahal nya si poging bf at tsaka pag nasa tamang katinuan naman daw ito ay super sweet at grabe rin kung maka-sorry sa mga kagaguhang nagagawa pag lasheng nga.

Lasheng

Photo courtesy of Just An Art blog

Ito si ateng ay naguguluhan kung ano ang dapat gawin. Dati raw hindi naman nag-iinom si bf. They’ve been together for almost 2 years at for the past 3 months lang naman naging ganito si BF. Kaso kasi nagsasawa na rin si ate sa mga nangyayari lalo pa’t lagi na silang nag-aaway at natu-turn off na rin ang parents at friends nya sa BF nya. So, gusto humingi ni ate ng payo if kelangan bang makipaghiwalay na sya dito habang maaga pa ng hindi na umabot sa masaktan pa sya nito ng husto or hintayin si bf na bumalik sa tamang katinuan?

Ayan na nga ang problem. So, feel free to provide your feedback, comments, suggestion, advises and all others. Pero bago kayo syempre ako muna. Ito na nga ang payo ko.

Away Mode

“kakainis ka, you know!”

Alam mo Mimi, ang pinaka tamang solusyon dyan sa problem mo na yan ay kausapin sya ng seryosohan. Syempre i-timing mo na nasa tamang katinuan sya at kayong dalawa lang. Yun bang moment nyo talaga. Kasi for sure meron pa naman siguro kayong time na ganyan diba? Pero kung wala abay makipaghiwalay ka na nga. Joke! Seriously, you have to talk to him. You have to know what happened to him and what made him changed from being a good boy to a lashenggero. Kasi for sure may rason yan. Baka may malaki syang problem na nahihiya syang sabihin sayo. Maybe, it’s family related or maybe sa relationship nyo. Kasi minsan ang boys nahihiya yan magkwento talaga lalo na pag pakiramdam nila na masyado sensitive yung issue kaya dinadaan nila sa bisyo para makalimutan na lang nito ito. Kailangan mong iparealize sa kanya na you’re there as his partner at kakampi ka nya all throughout. Make sure na ready ka rin sa pagsuporta talaga sa kanya sa kung anuman ang problem nya. Ngayon, if wala talagang ibang rason bakit sya nagkakaganon edi mas ok pa ngang lumayo ka muna. I’m not really suggesting na makipagbreak ka pero pwede siguro yung maging matamlay ka muna sa kanya. Kaso this kind of strategy takes time. Kasi minsan matagal bago matauhan ang boys eh. Pero this really works eh. Pag wala ka kasi mamimiss ka nya and then he’ll start to reflect and realize na mali pala sya. Also, tell him na nasasaktan ka sa ginagawa nya kaya ka lalayo. You really have to tell him that before ka umiwas. Why? Kasi baka akalain nya na okay lang sayo lahat kaya no comment ka na lang. Sigurado ko na in time, maiisip nya na kelangan nyang ayusin ang buhay nya para maayos kayo unless hindi ka mahal ng bf mo.

comfort mode

“we’ll get through this, together!”

Now, pag wala na syang pag-asa talaga edi wag naman tayong maging TANGA. Hihintayin mo pa ba na masampal ka nya, maitulak or masuntok pag lasing sya bago mo marealize na he has turned into someone or something else na?! Baka nasapian na sya or nakagat ng kung ano at naging monster na. You have to accept the fact that people do change and minsan talaga for worse imbes na for the better. Sana lang hindi ganon si bf. Pero alam mo, sa pogi ni bf mo tingin ko mabait sya e. At malaki ang paniniwala kong may problem lang sya. Ang tanong eh, natanong mo na ba sya? Baka naman kasi everytime na naglalasing sya wala ka iba ginawa kundi pagalitan at awayin pa sya. Pwede naman siguro na punasan mo muna sya ng mainit na bimpo or akayin or bantayan habang tulog then gumawa ka ng note na nakalagay eh “i still love you even though you have changed.” O diba sweet? Kasi minsan baka kelangan lang nya ng care. I have to really give emphasis to that. I honestly believe na pag umiinom ang isang tao palagi ay may problem ito. Kasi if wala naman okasyon at bigla ka maglalasing diba parang weird nun??

Try mo muna i-work out ang relationship nyo. Try mo rin syang tulungan bumangon sa issue na to. I think trials lang to eh. 2 years na rin kayo at para umabot sa ganoon katagal na relasyon effort na yun. Ano ba naman yung konting tiis pa diba? 3 months pa lang naman mula nung nagbago sya diba? Hintay ka naman ng mga 1 year pa. Charot! 

Anyway, mas kilala mo naman ang bf mo kesa saken eh so ikaw na ang tumantya sa dapat mong gawin. Alamin mo kung sino ba ang nag-iimpluwensya sa kanya, mag-imbestiga, mag-observe at gawan ng paraan. 

Okidoki? Ayun na.

_Madam C_

Advertisements

Check nyo naman ito. Super the best!

Yours Truly, Madma

Dears fans and followers,

At talaga namang ito na nga ang pasalubong ko from my Puerto Princesa, Palawan Adventure last week! Nag-effort din talaga ako para sa inyo ha! 🙂 Deadma na kahit pagtinginan ako ng ibang turista habang nagpi-pictorial! Basta dapat, PASABOG! 🙂 Ang bongga ng Underground River! Nakakaloka. Parang isang panaginip lang kapag nasa loob ka. Ang sarap gumala, mag-swimming, kumain, gumastos. WOW. Yaman! Sana makapunta din kayo sa Palawan! Iba yung alindog n’ya eh. Masasabi! 😉

Ito ang picture No. 1! Aminin n’yo ang bongga! Sa Palawan talaga ‘yan ha, hindi sa Korea! Kung maka-effects naman kasi! 🙂 Tinodo ko talaga ang pag-aura sa photo na ito ha kaya naman pasabog ang resulta! I’m sure kapag nakita ito ni Tyra Banks, kukunin n’ya akong co-host sa ANTM. Co-host talaga?! Sa totoo lang, hindi ko naman talaga forte ang modelling ano. More confidence lang ang puhunan ko. Pero after…

View original post 363 more words

Pacquiao-Bradley and the controversial result

Pacquiao VS Bradley

photo courtesy of pacquiaobradleystream

Isa sa pinaka inaabangang event of this year ay ang laban ng ating Pambansang Kamao na si Manny “Pacman” Pacquiao at Timothy “Desert Storm” Bradley. Well, marami talagang nanood at nagimbal sa mga pangyayari. Mantakin mong i-announce na panalo si Bradley kahit pa napaka obvious na si Pacquiao ang talagang winner?

Pano ba talaga nanalo si Bradley? Seriously, pano ba? May dayaan ba?

winner_without_grace

Photo courtesy of Yahoo News

Akala ko dati sa mga school contest or baranggay contest lang nagkakaroon ng lutuan pero eventually lumalawak na pala ang sakop nito. Nauuso na rin pala ang dayaan kahit walang eleksyon. Imaging, nagtrending kasi ‘to sa world wide web diba? Hindi lang sa twitter mga friendships kundi pati sa facebook, tumblr, forums, wordpress at kung san-san. Masasabing masaklap naman ang pangyayaring ito para sa Pinoy kasi after matalo ng ating manok na si Jessica Sanchez sa AI na by the way kumanta rin pala sa labanang ito (yun nga lang hindi ng Philippine National anthem kundi ng American Anthem). Pero in all fairness kay Jessica, we have to respect her on siding (not really siding naman e) but singing the USA song instead na Lupang Hinirang kasi nga naman American citizen ang lola naten at baka maissue pa. Isa pa mas bagay naman ang song na yun for her kesa sa song naten na for sure mapupulaan sya if ibibirit nya (alam nyo yan… uso sa atin ang mangpuna ng anthem song pag masyado bongga ang approach kasi dapat marching ang dating diba? hehehe)

Anyway, enough of Jessica since hindi sya ang bida ngayon kundi si Pacman. So, ano nga ba ang talagang nangyari sa labanan kahapon? Alam kong maraming Sunday morning ang nasira at baka nga tinamad ng magsimba ang iba dahil sa kinahinatnan ng laban ni Pacman. Naging mahina ba talaga si Pacman? Talaga bang binigay ni Bradley ang best nya? Hindi ko expected na padamihan ng yakap ang ibig sabihin ng boxing. Ano sa palagay nyo?

winning_punch_of_Pacman

photo courtesy of Bleacher Report site

Okay sige let us be fair kay Bradley. Bata pa ito at masasabi rin naman nating may ibubuga sya. Magaling din naman sya at some point na medyo kinabahan din ako ibang mga rounds dahil sa suntok nya pero kasi hindi naman naglalanding ang iba nyang suntok diba? Nung pinanood ko yung replay, mas nakita ko talaga ang lamang ni Manny. Napaisip talaga ako. Niluto ba talaga ang laban? Sinadya ba ito para magkaroon ng re-match? Ganon na lang ba? Para na lang ba kumita ng malaki? Is it really about the money? Tsk! Buti pa pala si Jessie J mas gusto ang kumanta lang to entertain at hindi para lang sa pera — “It’s not about the money, money, money.” Napakanta talaga ko dun. Hahaha.

I’m trying to do my best to make this topic light kasi ayokong mahighblood ng husto gaya na lang nung sa Corona blog ko. Hehe. Pero honestly mga friendship, super disappointed talaga. Super inis at irita. Gaya ng ibang mag sikat na artist, nanonood lang ang ako ng boxing dahil kay Pacman. (wow! lumelevel din kina Katy Perry sa comments.) ;P Pero totoo yun ah, hindi naman kasi ako ganoon kahilig sa sports talaga. Medyo nakikiuso lang din ako most of the time (haha..) pero pag Pacman ang usapan medyo tutok talaga ko sa bawat rounds at tinitiis ko ang nakakairitang dami ng commercials para lang hindi makamiss ng kahit na ano.

Bradley_in_wheelchair

photo courtesy of Bloody Elbow site

Haist! Mas nairita pa ko ng magpress conference na at lumabas si Bradley na naka-wheel chair. O diba? Halos mabaldado sya sa hirap na pinagdaanan nya kay Manny pero sya pa rin ang tinanghal na WINNER? Grabe ang lutuan portion diba? Kulang na lang ng plating. Mali kasi ang naging diskarte nila eh. Napaka obvious! Hindi ba nila alam na sa cooking show eh mahalaga ang plating portion kung saan maayos na nilalagay sa plato ang food para magmukhang masarap ito? Diba nga pag maganda ang ayos ng food nagmumukhang masarap ito kahit hindi naman? Siguro if inayos din nila ang detalya ng lutuang laro na yun edi sana mas marami pang naniwala sa kanila.

Nakakaawa rin si Bradley ah kasi nasa kanya nga belt pero hindi ang RESPETO ng mundo. Hindi ako nagtataka na nagtrending ang #RIPBoxing at #MannyPacquiaoIsStillTheWorldsBestBoxer sa twitter kasi nga naman napaka walang kwenta ng mga naganap. Diba? Please paki explain talaga sa akin if panong nangyari ang lahat? Please enlighten me. Please. (maka-please din diba, begging ang drama. haha).

Basta for me, this is worst Boxing event ever. Dinaig pa nito yung moment na kinagat ni Tyson ang tenga ni Holyfield. I guess, ito rin ang most controversial fight na maituturing history ng Boxing. Sana maayos pa ito or else malalaos na ang Boxing dahil wala ng maniniwala pa dito. Magiging para na rin itong wrestling na scripted.

Featured Story 4 d Week: I love my BBF

Hi!

Kamusta naman everyone? Sorry if ngayon lang ulit ako nakapagpost. Paki understand kasi ang super busy ko rin ngayon. Anyway, meron akong nareceive na email asking for some advice from me and sa inyo. Ganito ang kwento ni ate.

Best friends 4 ever?

Photo Courtesy of Best Teen Diaries Blog

May boy bestfriend si ate since hayskul at talaga namang super close nila to the point na nung college eh magkasama pa sila sa isang apartment with their other friends. So, mga 9 years na silang magkakilala at magkaibigan. Before daw sila grumaduate ng hayskul, umamin si boy bestfriend na naiinlove na sya sa kanya pero pinipigilan naman nito kasi nga ayaw nyang masira ang friendship nila. Si ateng naman wala nasabe dito at that time kasi naman bata pa sya nun at hindi pa sya sure sa nararamdaman nya. Nung college na sila super close pa rin kahit after umamin ni guy sa kanya. So nag-assume si ate na as time pass by eh magiging sila na rin ni boy bestfriend. At since dalagang Filipina si ate, hinihintay lang nya si boy na mag-initiate or umamin ulit pero walang naganap na ganon. So after college, nagwork sa advertising agency si ate at si kuya (ang kanyang BBF) ay nagtrabaho naman sa call center. Alam nyo naman sa call center diba? Andameng harot na girls kaya naman itong si kuya nag-GF na at pinakilala kay ateng. Since si ate naten ay waiting in vain ang drama na-sad at nasaktan. Pero hindi nya pinahalata at talagang namang tinago nya pa rin ang feelings nya. Nagpapanggap pa rin syang bestfriend lang ang turing nya kay kuya. Eto ang problem nya ngayon. Si boy nabuntis si girl at gulung-gulo si boy if ano dapat gawin. Inamin ni boy na hindi pa sya handa sa pagpapakasal at hindi rin daw ito sigurado if mahal nya ang current gf nya. Kasi raw naging gf nya raw ito dahil sa buyo at sulsol ng mga friends nya sa work at dahil na rin si babae ang talagang nag-initiate.

Ayan na. Gusto ni ateng naten na humingi ng payo for her and her BBF. Gusto nya malaman if tamang panahin ba ito para sabihin kay kuya na matagal nya na itong mahal at para sila na lang OR magiging mabuting bestfriend sya at papayuhan nya itong pakasalan ang gf nya.

Oh by the way, Sandy pala ang pangalan ni ate natin. (dunno if that’s her real name though).

***********************************************

This is my advice for SANDY:

Alam mo Sandy napaka common ng problem na yan sa mga telenovela mapa-Korean, Taiwanese or Filipino man. Diba? At ano ba ang palagi mo nakikitang ginagawa ng taong may problem na ganyan? Yes, I’m telling you na gawin mo rin ang ginagawa nila.

Inlove with bestfriend

Photo courtesy of Datingish.com

Let me be detailed and specific with that. Una, kelangan mo talagang sabihin kay BBF mo ang nararamdaman mo for him. Why? Unfair kasi sa kanya na hindi nya malaman. Kung sya nga noon diba sinabi nya sa’yo kahit pa may fear sya na baka magkailangan kayo at mawala ka. Tsaka, mahirap yang itago. Tingin mo ba tanga si BBF mo? At wala rin syang nararamdaman noon? Isa pa, kaya mo bang makita sya with someone else? Well, if kaya mo man kelangan mo pa rin itong sabihin sa kanya.

Now, if your question is kung tama ba ang timing ngayon? Nasa sa iyo yan. Kung ako kasi yan, sasabihin ko na rin sa kanya at pagkatapos tsaka ko sya papayuhan. Hello te? Ang sasabihin mo lang naman sa kanya ay ang feelings mo for him at hindi naman ibig sabihin nun na baka magbago isip ni kuya sa pagpapakasal nya or what eh. Assumera ka rin noh kasi pakiramdam mo love ka pa rin ni kiya. Joke lang! Well, malay mo mahal ka pa nga nya edi masaya.

So malamang ang next question ay pano naman ang gf at future baby? Alam mo 2012 na kasi. Hindi na tulad noon na pag nabuntis ng lalaki ang babae ay kelangang simbahan na agad ang tuloy. Pwede naman silang hindi magpakasal diba? Pwedeng suportahan na lang nya ang bata. Sorry if medyo hindi sasang-ayon ang iba dito kasi baka against sa prinsipyo nila yun. Pero kasi based sa observation ko sa mundo, ang mga lalaking nagpatali lang for the sake of his baby ay nambabae in the long run. Why? Kasi hindi sila naging masaya sa decision nya. Ikaw ba gusto mo ikasala ka sa lalaking hindi mo mahal? Kawawa naman ang mga boys if maging unfair tayo pagdating sa ganoong bagay. Kelangan syempre mahal nya ang pakakasalan nya. I’m not saying na kayo ang magpakasal para matakasan nya ang gf nya pero kung hindi nya talaga mahal yung girl wag mo rin ipilit.

So, sabihin mo na sa kanya yan laman ng puso mo. If hindi ngayon, kelan pa? Sa gabi before sila ikasal? Mas nakakaloka yun. Isipin mo na lang ito, kahit pa sabihin mo sa kanya hindi naman ibig sabihin na masisira mo agad ang magandang future sana nila ng gf nya. Isa pa, kelangan nyo rin talagang maging honest sa isa’t isa about it. Kung mahal ka man nya, wag mo sabihin sa kanya na iwan ang gf nya at kayo na lang. Kelangan nya muna ayusin ang gusot na pinasok nya at sa tamang panahon tsaka nyo ayusin ang sa inyo.

Remember, if kayo ang para sa isa’t isa kayo rin in the end.

Ayun na.

Madam Chikadora

Ang Opisyal na Pahayag ni Corona after VERDICT

Due to the demand of my friends, eto po ang kabuuang nguy-ngoy ni CJ Corona regarding sa hatol sa kanya. So, para sa mga hindi nakapanood ng 24-Oras or TV Patrol kanina pakibasa na lang ito at malaya po kayong magbigay ng inyong saloobin. Ang statement pong ito ay galing mismo kay CJ Corona straight from Medical City. Wala po itong kahit na anong dagdag or bawas. Enjoy reading his written speech or script?? Hehehe.

CJ Corona crying

photo courtesy of Pinoy Ambisyoso News

Again, this is CJ Corona’s official statement regarding his verdict.

This is it:

Lubos kong ikinalulungkot ang naging pasiya ng Senate Impeachment Court. Bilang Punong Mahistrado, buong tapang at talino kong hinarap ang hamon ng impeachment at sumailalim ako sa proseso na alinsunod sa Saligang Batas, umaasang makakamit ang hustisyang aking hinanap ng mahigit limang buwan.

Hindi kaila sa akin na gagamitin ng Pangulo ang buong puwersa ng gobyerno, kasama na ang mga ahensiyang dapat sana ay malayang nagpapasiya – ang Kamara, ang BIR, ang LRA, ang AMLC, ang Ombudsman, at iba pa. Hindi rin kaila sa akin na gagamit ng kabang-yaman para sa mapanira at mapang-aping media campaign, sa radyo, telebisyon at dyaryo, laban sa akin at sa aking pamilya. Lahat po ito ay tinanggap ko, alang-alang sa kasarinlan ng Hudikatura, upang maitaguyod ang kalayaang magpasiya ng mga hukuman, na isang napakahalagang sangkap ng ating demokrasya.

Ngunit nanaig ang masamang pulitika. Wala po akong sala. Wala pong katotohanan ang mga bintang sa akin na nakapaloob sa Articles of Impeachment. Malinis po ang konsyensiya ko. Ngunit isang malungkot na katotohanang pulitikal na minsan ang tingin ng nakararami na nangyari, ay hindi naaayon sa tunay na mga naganap. Lalo na kapag hawak ng iisang tao o pangkat ang buong makinarya ng pamahalaan, at maging ang media na rin, at gamitin ang mga ito upang gumawa ng huwad na dokumento at maglathala ng mapanlinlang na impormasiyon at balita upang manira ng kalaban. Ang lagi nga pong katanungan ay, “Kung malakas ang kaso, bakit kailangan mag-imbento?”

Ang ating bansa ay matagal nang ginambala ng impeachment na ito. At ngayong gabi, inaanyayahan ko kayong talikuran ang naging sentro ng palabas na ito nitong nakaraang limang buwan, upang buuin ang hiblang nagkawatak-watak, at ibaling muli ang ating pansin sa lahat ng mga pagsubok at pangako ng Pilipinas sa susunod na siglo.

Ihinto na po natin ang pulitika ng personal na paninira. Supilin na po natin ang lason na dulot ng labis na kampi-kampihan, labis na pagkakawatak-watak, at hindi mapigilang poot at galit. Hindi po ito ang nararapat para sa ating bayan. Hindi po ito ang buod ng bansang Pilipinas. Panahon na upang isulong ang ating buhay bilang isang bansa.

Tayong lahat ay may mga mahalagang tungkuling dapat tugunan – tunay na mga pagkakataong kailangang samantalahing maabot, totoong mga suliraning kailangang lutasin, at tunay na mga usaping dapat harapin.

Taos-puso po akong nagpapasalamat sa iilang Senador, sina Senador Joker Arroyo, Senadora Miriam Defensor Santiago at Senador Bongbong Marcos na may matatag na kaloobang manindigan sa kabila ng matinding puwersa upang ipaglaban ang kasarinlan ng Hudikatura at ang aking mga karapatan na malinaw na nakasaad sa ating Saligang-Batas.

Nagpapasalamat din po ako sa mga napakarami nating mga kababayan na nagparating ng kanilang pakiki-isa sa amin sa Kataastaasang Hukuman, sa akin, at sa aking pamilya. Kasabay nito, ako po ay humihingi ng paumanhin sa aking maybahay, mga anak at apo, sapagkat sa aking pagtatanggol sa kasarinlan ng Hudikatura ay nailagay ko sila sa kalbaryong hindi naman nila kinailangang maranasan. Pati na rin po sa mga tumulong at sumuporta sa akin, humihingi rin po ako sa inyo ng paumanhin, sapagkat hindi naging sapat ang aking kakayahan upang magtagumpay sa hangarin nating pairalin ang katotohanan.

Kung ito po ang ikabubuti ng ating bayan, tinatanggap ko na po ang kalbaryong aming pinagdaanan. Dahil sa simula’t sapul naman, ay handa na akong mag-alay ng sariling buhay para sa bayan. Kung kaya, ipinapaubaya ko na po sa ating Poong Maykapal at sa taong bayan na higit na makapangyarihan sa ating demokrasya ang aking kinabukasan at ang kinabukasan ng ating Hudikatura.

Maraming salamat po.

The Medical City, Pasig City. Ika-29-ng Mayo, 2012.

RENATO C. CORONA

CJ Corona, GUILTY!

CJ Corona

photo courtesy of Philippine News Daily

Ayan na nga “GUILTY” ang naging ending ng kwento.

Alam kong buong bayan ang talagang nagtiyaga at nag-abang sa katapusan ng Coronavela (o diba parang Koreanovela lang?). Kasi naman napaka tagal din parang 2 seasons ang inabot diba? At congratulations din kay CJ Corona kasi ang taas ng ratings ng palabas nya. Palabas talaga? NAMAN, with all those drama and ek-ek! LOL.

Anyway, eto ang mga “SAY” ko sa lahat ng naganap.

1st – Tama lang na GUILTY ang naging hatol sa kanya. Walang duda at kyeme yan! Meron bang hindi guilty na ganon ang asta sa harap ng senado? Ambastos! Kahit pa may sakit sya or what, hindi tama ang bigla ka na lang aalis pagkatapos mong magsalita ng 3 oras. Hindi naman kasi graduation speech yun e na lahat makikinig lang at magpapalakpakan pagkatapos diba? Baka nakalimutan nyang dapat pala syang tanungin at kelangan nyang sumagot. Hindi na sya nahiya diba? Isa kasi syang kagalang-galang na hukom, kataas-taasan pa nga eh pero parang ang salitang pag-galang ay wala naman sa kanyang bukabularyo. Paki turuan naman sana ng manners si Sir. Ano ba?! Hindi man ako kalevel ng mga lawyers or senators, alam ko naman ang tamang pag-asta sa ganong okasyon or events. (Parang Lito Lapid lang diba?) And let me insert that Lito Lapid thing, super nagustuhan ko ang statement nya. Very natural at super CHECK.

2nd, natuwa ko sa mga senador natin. In fairness, nag-iisip na sila ng maige ngayon at hindi na sila nasisilaw sa pera. Well, I was expecting a lot of senators to side with Corona kasi e. Syempre, kasi sa totoo lang kaya nyang bayaran ang pwedeng maging decision eh. Bute na lang,
mas pinaburan nila ang taong bayan this time. Naiirita talaga kong malaman na andaming pera ng iba sa mga opisyal natin ngunit ang karamihan sa Pinoy ay naghihirap naman. Eto pa ang malufet. Silang
marameng pera pa ang ayaw magsibayad ng tax at nagtatago ng yaman. Samantalang ang isang maliit na emplayado ay napapakamot na lang ng ulo sa laki ng kaltas every salary day.

3rd, tawa ko ng tawa sa pahayag ni CJ Corona sa GMA7 kanina. Hindi ko expected na maliban sa pagda-drama ay may talent din pala itong magpatawa. Pwede sa comedy bar ang lolo mo! Mantakin mong sabihin nyang “malinis ang kunsensya nya at biktima lang sya ng maruming gobyerno na mali ang pamamahala.” Wow diba? Eto pa, ginagamit daw ng gobyerno ang lahat ng makinarya para lang lumabas na sya’y marumi at masamang tao. Ang linis ni Sir!!!! Talaga naman kung maka-punchline
diba? Sya pa ba ang biktima? Ang sarap naman palang maging biktima eh. Imagine, magkakaroon ka ng milyun-milyong pera sa bangko. And pwede bang wag nya kong artehan na karapatan nyang itago ang mga dollar accounts nya???! Kung ayaw nyang magpabulatlat ng yaman nya edi wag
syang pumasok sa gobyerno. (quote din to from the hearing). Magbusiness na lang sya, mas dodoble pa ang pera nya. Just like me! (ang yaman ko kaya! Charot)

Anyway, tapos naman na eh. Though, ineexpect kong may mga nguyngoy pa for sure sa side ni Corona. Malamang maraming dramahan pa at kaartehan na mangyayari sa mga susunod na araw pero wapakels na ko dun. For now, ang mahalaga ay ang nahatulan ang isang buwayang gaya niya as GUILTY.
Sana nga makulong rin sya eh para magsama sila ng idol nyang si Gloria. Ang naging kaganapan kanina ay sadyang mahalaga. Ito’y kasaysayan. Legend. Ang pinaka nagustuhan kong naging resulta ng trial
na ito ay ang hamon sa ibang mga pulitiko na maging tapat sa SALN nila at magpacheck ng yaman. Ang ganda nito kasi talaga namang mapapatunayan nila na worth the trust sila. Ang politics kasi is mainly focused sa public trust kaya dapat lang tapat sila or esle forever na tayong maghihirap. Sa nangyari kay Corona, siguro naman kahit papano matatakot ang ibang mga kurap na mangurakot kasi alam nilang mahuhuli’t mahuhuli rin sila sa huli. Or pwedeng hindi pa rin kasi talagang tigasin? Hmmmm.. No comment.

So for now heto na muna ang masasabi ko, “Good job Philippines! Good
luck CJ Corona!”

A Special Day for a Special Someone

Hey friends…

Grabe andame ng sumuporta sa kauna-unahang linggo ng Featured Story portion ko ah. Super thank you naman at na-aapreciate ko talaga ang lahat ng comments nyo (kasama na ang mga hinanakit and all). So sa next Thursday meron na naman tayong ganon pero ngayon gusto ko munang hiramin ang portion na ito para sa isang napakahalagang okasyon. O teka, wag kayong mag-isip na birthday ko kasi HINDI pa…. Hahahaha, Wala pa kong panahon sa pagtanda at this time of the year ngunit darating din tayo dyan. As if naman matatakasan ko yun diba?? Hehehe.

Anyway, may isang super special GIRL kasing nagce-celebrate ng kaarawan ngayon. Isa syang mabuteng kaibigan at maswerteng nilalang. Alam nyo kasi hindi ako talagang naniniwala sa salitang swerte pero pag nakikita ko ang buhay nya naiisip kong minsan totoo ang salitang swerte eh. Hehehe. Bakit ko ba ito nasabe? Dahil sa mga sumusunod na rason:

> Super ganda nya… As in… Ang pretty nito. Minsan nga nahihiya na kong tumabi pa kasi hindi mapapansin ang beauty ko.. Mala-Kris Aquino ang kutis at ang ganda. Pati na rin ang sex appeal  ni Kris nakuha nya pero hindi sya lalakero ah medyo matinik lang din sa boys nung hayskul kami. (Baka masakal ako nito pag nabasa nya ah. Goodluck na lang sakin.) Lol.

> Super BAET. Kokonti na kasi sa mundo ang maganda na, mabaet pa. Well, ang swerte ko kasi may friend akong gaya nya. Sya yung klase ng kaibigan na gagawa ng paraan para makausap ka kung kailangan. Prangka sya at hindi sinungaling. She will try to point out her idea/ opinion in a positive way. Mahirap yun ah. Kasi sa mundo ngayon either plastic ang tao kasi ayaw ng confrontation or super prangka naman pero wala ng pakialam sa mararamdaman ng iba. Sya hindi ganon. Iba ang approach nya. Kabilib-bilib. May point sa buhay ko na kinailangan ko ng kaibigan na magpapayo sa’kin about some important thing. Andame ko namang friends pero sya pa ang dumating to the rescue para sermunan ako at sabihan ako na mali ang ginagawa ko. At dahil sa kanya, natauhan ako na mas magiging happy pa pala ako. Look at me now diba? Pa-blog-blog na lang at papayo-payo. Wow! Thanks to her!

> Galanteng friend. Ang ugaling ito ang mahirap hanapin sa ngayon. Haha. Sabe kasi nila ang uso daw ngayon kapag true friend mo, hanggang huling sentimo nagbibilangan kayo. Again, ibahin nyo na naman sya. Sa buong buhay ko hindi ko na mabilang ang dami ng beses na napakain nya ko at nailibre ng pamasahe. Konti na lang ngayon ang ganyan aminin nyo. Kahit nga kamag-anak mo na nakasabay mo sa jeep parang gusto mo pang magkunwari na hindi mo nakita diba para wala kang extra babayaran?? Aminin! LOL. Etong taong to, hindi ganon. Super waldas din talaga pero in a positive way. Kaya siguro bine-bless din sya ni Lord eh.

> Nakapangasawa ng mabaet. Alam mo sa panahon ngayon, LUCK na ring matatawag ang makahanap ng mabuting kabiyak. Andami na kasing loko-loko ngayon diba? Ooops.. mas ok pa lang sabihin na FATE kesa luck ang nangyari sa kanila. Kasi medyo unexpected din ang pagdating ni hubby sa life nya. Nasa isang long relationship kasi sya noon nang biglang matauhan. What a word?! Kumbaga kasi sa isang prinsesa finally narealize nya na hindi na pala magiging prinsipe ang palaka sa batis. At ang tunay na prinsipeng nakalaan sa kanya ay nakasakay pala sa magarang karwahe. Sorry naman kay “ex”. Hindi ko naman sinasabing mukha syang palaka bigla ko lang naisip yun. Wag magalit ah. (as if naman babasahin nya to diba?) Actually, naging friend ko naman si EX kaya sorry naman tol. Sa tingin ko lang kasi, she got was she deserved all along. Unlike noon… Well-deserving kasi si hubby sa pagmamahal ng aking amiga. Bagay na bagay sila. Dalawang tao na super inlove sa isa’t isa. Ayun oh. By the way, wedding anniversary din pala nila ngayon (church wedding to be exact), Happy Anniv din!

> Upcoming baby. Eto hindi to luck, effort to. Char! Aba, mahirap gumawa ng baby noh pero masaya at masarap din. Haha. Ang green ko dun. Churi! Anyway, may paparating na ngang baby. Hindi ko pa alam if baby boy or girl eh pero for sure pang-artista ang batang to.

O diba? Halos kumpleto na ang buhay ng friend ko na ‘to eh. Pero syempre alam ko namang mas i-ble-bless pa sya ni Lord sa mga darating na panahon. Naman!

I just want to take this opportunity to thank her for being part of my life. I am not who I am kung hindi ko sya nakilala. Kaya nga napaka-special din ng day na ito for me kasi diba 27 years ago dumating sa mundo ang isang gaya nya.

Good health and longer life for you my friend.

Happy Birthday ShanJoss28. Happy Wedding Anniv na rin. San ba ang celebration? Paki-pm na lang ako. 🙂 Again, happy bday friend!

myspecialfriend

picture taken from her facebook profile pics